Mga kabombo! Sabi nga nila hindi dapat nagmamaneho ang taong lasing.

Pero bukod sa lasing hindi ba’t pati ang mga menor de edad?

Sa inyong opinion, sino ang mas dapat magmaneho taong lasing o menor de edad?

--Ads--

Gulat kasi umano ang sumalubong sa mga kapulisan sa bayan ng Duffel sa Belgium matapos nilang parahin ang isang kahina-hinalang ­sasakyan na usad-pagong ang takbo.

Paano ba naman kasi nang tumigil ito, nadiskubre ng mga pulis na isang 12-anyos na batang lalaki ang nasa likod ng manibela.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente habang nagsasagawa ng breathalyzer tests ang mga otoridad.

Nang tanungin, kaswal na inamin ng ama na nasa passenger seat na masyado na siyang lasing kaya inutusan niya ang kanyang 12-anyos na anak na magmaneho pauwi para sa kaligtasan nila.

Hindi pa rito nagtatapos dahil, bukod sa mag-ama, lumantad din ang nakaupong ina ng bata at dalawa pang nakababatang kapatid sa likod ng sasakyan.

Dito na napag-alamang may valid driver’s license ang nanay, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hinayaan nitong ang kanyang 12-anyos na anak ang magmaneho sa pamilya sa gitna ng gabi.

Dahil dito, parehong pinatawan ng multa ang ama at sinampahan din ng kaso ang ina nito dahil sa “concerning educational situation” na maaaring magresulta sa imbestigasyon ng social services sa kanilang tahanan.