DAGUPAN CITY- Umabot na sa 114 Barangay sa lalawigan ng Pangasinan ang apektado dahil sa pagbaha.

Ayon kay Col. Rhodyn Luchinvar Oro, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Pangasinan, nasa 114 barangay sa buong lalawigan ang kasalukuyang apektado ng matinding pagbaha dulot ng habagat at masamang panahon.

Sa ngayon, lima sa mga bayan at isang lungsod sa Pangasinan ang nagdeklara na ng State of Calamity dahil sa lawak ng pinsala at dami ng evacuees.

--Ads--

Pinakamaraming lumikas sa bayan ng Calasiao, kasunod ang Dagupan City, Mangatarem, at Urbiztondo.

Sa paunang ulat, umabot na sa P31 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura, dulot ng pagkasira ng mga pananim at palayan.

Patuloy ang monitoring at pagtugon ng mga awtoridad para matulungan ang mga apektadong komunidad.