Punong puno ngayon ng pasasalamat ang 11 taong gulang na Dagupeño nang makasungkit ito ng dalawang bronze medal sa katatapos lamang na World Championships of Performing Arts.

Ayon kay Sophia Madaya Samonte na residente ng Barngay Bonuan Boquig sa lungsod ng Dagupan na ito ay masaya at ‘overwhelmed’ sa malaking tagumpay na naabot nito.

Sa ginanap ang 25th Annual World Championships of Performing Arts sa Anaheim, California ay lumaban si Sophia sa vocal pop, at sa vocal world event kung saan pareho itong nakapag-uwi ng bronze medal.

--Ads--

Aniya na sa pagsabak nito sa pamamagitan ng online audition ay napili ito sa halos tatlong libong mga kalahok.

Bilang paghahanda ay tinutukan niya ang mga voice lessons at malaki rin aniya ang naitulong ng suporta mula sa kaniyang ina na si Arly.

Si Sophia ang tanging Dagupeño at Pangasinense na lumaban sa Vocals, Kids category kung saan nakuha nito ang Bronze medal sa vocal pop, at isa pang Bronze para naman sa vocal world event.

Sa edad na tatlong taong gulang, ay nagsimula na umano nitong magkaroon ng interes sa pagkanta habang sa edad na pito ay sumabak na itong sumali sa mga paligsahan.

Ngayong papalapit aniya ang pabubukas ng klase, tiniyak naman ni Sophia na kaniya pa ring tutukan ang pag-aaral gayundin ang hilig sa pagkanta.

TINIG NI SOPHIA SAMONTE

Pagsasaad naman ng ina ni Sophia na si Arly na asahan din umano sa mga susunod na mga linggo, ay mapapanood rin sa ilang mga patimpalak sa telebisyon ang kaniyang anak

Diin nito na sana’y mabigyan ng pagkilala ang lahat ng mga Pilipinong sumali sa WCOPA lalo na’t hindi lamang kanilang sarili ang ipinepresenta sa mundo bagkos ay kanila ring iwanawagayway ang bandila ng Pilipinas.

TINIG NI ARLY SAMONTE

Si Sophia ay kabilang sa animnapung kinatawan ng bansang Pilipinas kung saan Variety of artists ang kanilang nakatungggali mula sa 60 countries sa buong mundo.