Nasa 11 mga pulis na ang kasalukuyang COVID-19 active cases na naitala sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa Provincial Director ng PNP Pangasinan, na si Pol. Col. Redrico Maranan, lahat ay pawang asymptomatic o hindi nakakakitaan ng anumang sintomas ng nabanggit na virus.

Aniya, lahat ng mga ito ay nasa kani-kanilang mga municipal isolation facilities na.

--Ads--

Ito naman aniya ay resulta ng kanilang isinasagawang continous testing sa hanay ng kapulisan.

Pol. Col. Redrico Maranan

Siniguro naman nito na patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang contact tracing kasama ng City o Municipal Health Office at ng Provincial Health Office (PHO) Pagasinan.