Patuloy ang pagresponde ng mga awtoridad sa Indonesia matapos tumama ang magnitude 7.7 na lindol sa bansa, na nagdulot ng pinsala sa ilang lugar at nagpaigting sa isinasagawang search, rescue at clearing operations.

Ayon kay Sunday Marilyn P. Dolor, Bombo International News Correspondent sa Indonesia, nasa 11 lugar ang naapektuhan ng malakas na lindol. Hindi pa rin pinapayagang makabalik ang ilang residente sa kanilang mga tahanan dahil sa patuloy na banta ng aftershocks at iba pang panganib.Radyo

Naitala rin ang maraming aftershocks matapos ang pangunahing pagyanig, habang ilang lugar naman ang nananatiling hindi ma-access dahil sa mga landslide. Dahil dito, nahihirapan ang mga rescue team na makarating sa ilang komunidad.

--Ads--

Malaki rin ang naging pinsala sa mga kabahayan at pasilidad. Patuloy ang pagtatasa ng mga awtoridad sa lawak ng pinsala habang isinasagawa ang rescue at clearing operations.

Samantala, nagtutulungan ang mga kawani ng pamahalaan, rescue personnel at iba pang grupo upang mailigtas at matulungan ang mga residenteng naapektuhan ng lindol.Balita

Ayon pa kay Dolor, wala namang naiulat na mga Pilipinong naapektuhan sa insidente. Patuloy naman ang monitoring ng mga awtoridad habang inaasahang maaari pang magbago ang bilang ng mga nasawi at lawak ng pinsala.

Patuloy rin ang clearing operations dahil marami pang mga daanan ang sarado o hindi madaanan dulot ng mga landslide at debris.