Parusang bitay ang panawagan ng isang ina sa taong nanggahasa sa kanyang anak sa barangay Cobol sa lungsod ng San Carlos.

Hinagpis ng ina ng 11 -taong gulang na batang babae na sinira ng suspek ang dangal ng anak matapos siyang pagsamantalahan.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, kukuha lang sana ang bata ng bunga ng mangga ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay.

--Ads--

Pero may isang lalaki ang lumapit sa kanya at dinala sa isa pang manggahan at doon siya pinagsamantalahan.

Samantala, naaresto ang suspek na si Gerardo Soriano, 42 anyos at residente ng barangay Dumpay, Basista.

Positibo siyang kinilala ng biktima dahil sa suot na pulang short.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang paratang laban sa kanya.