Nakatakdang patayin ang nasa isang daan at tatlong baboy na nasa 1 kilometer radius sa lugar na pinagdalhan ng animnapung baboy na galing Bulacan sa barangay Baloling , Mapandan na apektado ng African Swine Fever (ASF)
Ayon sa nakalap na impormasyon ng bombo radyo Dagupan kay asst. Provincial veterinarian Jovito Tabajeros, agad umanong ipinatupad ang “1-7-10 Protocol” sa lugar na apektado ng outbreak.
Paliwanag ni Tabajeros na bahagi ng protocol na sa 1-kilometer radius kailangang patayin ang lahat ng baboy sa loob ng 1-kilometer radius.
Sa 7-kilometer radius ay kailangang limitahan at bantayan ng mga awtoridad ang pagkilos ng anumang hayop sa itinakdang area.
Habang sa 10-kilometer radius ay kailangang i-report ng mga may-ari ng baboy sa loob ng itinakdang area kung may mga sintomas ng sakit ang kanilang mga alaga.
Nauna nang pinatay ang mga nasa 60 baboy na galing Bulacan na kinumpiska sa bayan ng Mapandan.