DAGUPAN, CITY— Patuloy ang ginagawang monitoring ng 102nd Maritime police sa mga karagatang sakop sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa ilang ulat ng illegal na pangingisda.

Ayon kay PMaj. Nemesio D. Vocal, Station Chief ng 102nd Maritime Police Pangasinan, araw-araw ay nagsasagawa sila ng pagbabantay at pagpapatrolya sa mga coastal areas sa probinsya upang masiguro na walang anumang mga illegal na gawain ang isinasagawa sa mga karagatan.

Sa kanilang pagtataya, madalas sa kanilang mga nahuhuling violators ay mga commercial fishing vessel na prohinited sa mga municipal waters dahil may mga pagkakataon na may nag-ko-crossover na mangingisda sa mga karagatang sakop ng probinsya at wala rin silang mga kaukulang mga permit o dokumento.

Saad ni Vocal, required na magregister ang mga commercial fishing vessels at mga mangingisda sa kanilang mga bayan para legal sila na makapangisda sa area.

--Ads--

Samantala, bukod pa umano rito ang unauthorized used of small fishnets ng mga maliliit na mga mangingisda sa lalawigan.

Katunayan, noong nakaraang linggo ay nahuli ang ilang mga mangingisda sa bayan ng Sual na nagsasagawa ng illegal na pangingisda gamit ang maliliit na butas ng kanilang lambat.

Hinikayat din ng naturang opisyal ang mga mangingisda na huwag mag-atubiling magreport sa kanilang tanggapan kapag may mga makita silang mga paglabag sa batas sa karagatan.