BOMBO DAGUPAN- “Mission accomplished” para sa isang 102 taon gulang na lola sa Suffolk, England matapos mag sky diving upang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan.
Maliban sa pagselebra, naging oportunidad ito para kay Manette Baillie upang makalikom ng pera para sa kaniyang charity na malapit sa kaniyang puso.
Sa kasalukuyan, nakalikom na siya ng £9,000 o katumbas ng higit P665,800. Ang kanyang goal naman ay makalikom ng £30,000.
Sa pagsasalaysay ni Baillie, nang magbukas ang pintuan ng eroplano, akala niyang tatalon lamang siya subalit nanghina naman ang kaniyang mga paa at nag-blur ang kaniyang paningin.
Aniya, naging sobrang bilis din ang kanilang pagbaba.
Suportado naman si Baillie ng kanilang local community sapagkat pumunta rin sila sa Suffolk airfield upang i-cheer si Baillie.
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon ni lola na masubukan ito dahil dati siyang nagsilbi sa Women’s Royal Navy Service sa Egypt noong Second World War at nakapag-asawa ito ng paratrooper.