Nahandugan ng tulong pinansyal ang 1000 tricycle operators at driver mula sa anim na bayan ng ikatlong distrito, dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ilan sa mga dumalo sa nasabing aktibidad ay ang Congresswoman ng ikatlong distrito na si Rachel Arenas kasama si Congresswoman Yedda Romualdez at representative ng Tingog Party List na si Jude Acidre.

Ikinagalak naman ito ng mga tricycle operators at drivers na mga benepisyaryo ng nasabing programa.

--Ads--

Ayon kay Arenas ito aniya ay alinsunod sa ipinangako ng Presidente ng bansa na ilapit ang mga mamamayan sa mga serbisyo ng gobyerno.

Ang gobyerno ng Pilipinas ay may mga programa at tulong pinansyal para sa mga tricycle drivers, lalo na sa mga panahon ng krisis.

Ito ay naglalayong makatulong sa mga naapektuhan ng anumang krisis o mga natural na kalamidad na ating nararanasan.

Sa mga ganitong pagkakataon ay mahalagang makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan o sa mga asosasyon ng tricycle drivers para sa karagdagang impormasyon at tulong.