Unti-unti nang nakakamit ng bansang Afghanistan ang pagkakaroon ng ‘ 100% stability’ sa kabila ng mga naitatala pa ring mga kaguluhan sa mga lugar na hindi pa rin nakukubkob ng mga Taliban.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo radyo Dagupan kay Joel Tungal sinabi nitong malaki ang kaniyang pasasalamat dahil may mga bago nang nailuklok na mga opisyal para sa bagong gobyerno nito kung saan ay nagkaroon na rin umano ng mga courtesy call ang mga delegado ng taliban sa iba’t ibang lugar.

Dahil na rin umano sa tulong mula sa mga ibang bansa tulad ng Pakistan, China, Qatar , Turkey at Russia ay nakakamit na nito ang normal na kalagayan sa naturang bansa.

--Ads--

Aniya ito ay senyales nang pagbubukas ng naturang bansa sa mga dayuhang bansa kung saan aniya ay magbubukas na rin sa susunod na linggo ang mga international flights.

Ipinagbabawal pa rin umano ng mga Taliban ang pagdaraos ng mga rally kung kaya’t nagkakaroon ng mga kaguluhan dahil sa mga naidadatos na rally sa mga malalaking siyudad tulad ng Kabul mula sa mga aktibistang Afghan.

TINIG NI JOEL TUNGAL

Ilang mga gulo rin ang naidadatos sa mga lugar kung saan mayroong nanatiling mga miyembro ng ISIS.

Dagdag rin nito na walang naitalang pagbabago nang ilunsad ng grupong Taliban ang bagong gobyerno nito at patuloy pa ring bukas ang mga establisyementong may kinalaman sa pangkalakalan sa mga residente.