BOMBO DAGUPAN – Balik Pilipinas na ang 100 overseas Filipino workers (OFWs) makaraang mag-avail ng visa amnesty program ng Kuwaiti government, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ang mga OFW ay dumating via flights GF154 at GF156.
Sa ilalim ng visa amnesty program na magtatagal hanggang Hunyo 17, 2024, ang mga Pinoy na may expired visas ay binigyan ng tsansang gawing regular ang kanilang pananatili sa Kuwait o umuwi sa Pilipinas nang walang babayarang multa.
Sinabi ng OWWA na nakikipag-ugnayan ito sa Philippine Embassy sa Kuwait at sa Migrant Workers Office upang tumulong sa pagsasaayos ng repatriation ng mga apektadong OFW.
Nauna nang pinuri ng bansa ang programa dahil isa umano itong hakbang tungo sa pagresolba sa mga isyu na kinakaharap ng mga Pilipino sa Kuwait na ang mga visas ay paso na.