Isandaang porsyento ng mga eskwelahan sa buong Rehiyon Uno ang sumasailalim na sa school safety assessment para sa tuluyang pagbubukas ng klase sa susunod na taon.

Pagsasaad ni Department of Education Region 1, Regional Director Tolentino Aquino na inaasahan nilang sa 2022 ay tuluyan ng magbubukas ang mga klase.

Masusi umano nilang minomonitor ang bawat eskwelahan upang matiyak na ito ay makakapasa sa mga panuntunang inilatag ng Department of Health atng kanilang kagawaran.

--Ads--

Paglilinaw nito na ang mga kasalukuyang panuntunan pa rin ang kanilang ipapatupadtulad na lamang ng limitado pa rin ang oras ng mga klase at mababang bilang pa rin ng mga estudyante ang makakalahok dito.

Ito na rin aniya ay pagbibigay proteksyon sa mga Pilipino lalo na at patuloy pa rin ang paglaban ng bansa sa Covid-19.

DEPED Region 1 Director Tolentino Aquino