DAGUPAN CITY – Nangangamba ngayon ang mga Pilipino sa Macau China sa posibleng epekto sakanila ng mandatoryong pagsasailalim nila halos araw-araw sa swab testing dahil sa mataas na bilang ng mga pinoy na nagpopostibo sa covid 19 doon ngayon.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Dan Sicado, lahat ng mga Philippine Passport holder sa Macau ay kailangang sumailalim sa testing para matiyak na hindi sila infected ng covid para makapasok ng trabaho.
10 percent kasi aniya ng kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa covid 19 doon ay mga Pilipino. Hindi aniya maiwasan na isipin ng mga local doon na may pinipiling lahi ang virus kaya’t makakaapekto ito sa pakikitungo sa mga kababayan nating nakatira at nagtratrabaho doon.
Sagot naman aniya ng Macau Government ang testing ngunit walang natatanggap na ayudang pinansiyal ang mga Pilipino na nagpopositibo sa sakit.
Nangangamba umano ang maraming mga Pilipino doon sa epekto nito lalo’t nakapartial lockdown ang Macau kung saan halos lahat ng stablisyemento ay sarado at hindi sila nakakapagtrabaho.
Ilan aniya sa mga Pilipino doon ang wala nang makain at walang maipambayad sa nirerentahan nilang bahay o apartment.