DAGUPAN, CITY— Sugatan ang sampung katao matapos sumalpok ang sinasakyang delivery truck sa isang pader sa bayan ng Calasiao.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, lumalabas na bago mangyari ang insidente ay binabagtas ng naturang sasakyan ang kakalsadahan ng Barangay Buenlag nang bigla umanong mawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck na naging dahilan upang sumalpok ito sa pader at tumilapon ang driver pati narin ang siyam na indibidwal na sakay nito.
Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima na sa ngayon ay nasa maayos na kondisyon.
--Ads--
Posible naman umanong nakaidlip ang driver ng truck na nagresulta upang ito ay maaksidente. (with reports from: Bombo Mariane Esmeralda)