Umaabot na sa 10 ang naitalang forest fires sa region 1 mula buwan ng Enero hanggang Marso ngayong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay FSInsp. Atty. Benrae Valmonte, Public Information Officer ng Bureau of Fire Protection o BFP Region 1, habang pababa ang insidente ng sunog sa mga kabahayan o gusali ay tumataas naman ang sunog sa mga bundok.

Base sa kanilang tala, ang nasabing bilang ay masmataas kumpara sa 21 na bilang ng forest fire na naitala noong taong 2023 habang umabot naman sa 26 noong 2024.

--Ads--

Pinakahuling forest fire ay naitala sa bayan ng Labrador.

Sinabi ni Valmonte na mas mahirap umanong tugunan ang forest fire dahil kailangan ng mas maraming personnel at maraming kagamitan dahil sa lawak ng lugar.