Mga kabombo! For sure, nakakita ka na ng isang Christmas Tree lalo na nagyong pasko! Tampom din kasi ang mga higanteng cHristmas Tree sa bawa’t munisipalidad.
Eh paano kung malaman mong may isang Christmas tree sa Munich, Germany na gawa sa Gold?
Ayon sa ulat, tinatayang nagkakahalaga umnao ito ng $5.5 milyon dahil gawa ito sa gold coins at idinisenyo bilang paggunita sa ika-35 anibersaryo ng kompanya sa bansa.
May tangkad ito ng 10-talampakang puno at gumamit ito ng 2,024 piraso ng Vienna Philharmonic gold coins, isa sa pinakasikat na commemorative coins sa buong mundo.
Anila, imbis na tradisyunal na bituin, isang malaking 24-karat gold coin ang nakalagay sa tuktok nito.
Layunin umano ng gintong Christmas tree na ipakita ang walang kupas na halaga ng ginto, na maihahalintulad sa pagiging “evergreen” ng mga Christmas tree. Ngunit, taliwas sa inaasahan ng mga interesadong bilyonaryo, ang dekorasyon na ito ay hindi ipinagbibili.
Bagama’t kamangha-mangha ang gintong Christmas tree, hindi naman ito ang itinanghal bilang pinakamahal sa kasaysayan.
Dahil ang titulo naman para rito ay idinisplay noong 2010 sa Emirates Palace Hotel sa Abu Dhabi na nagkakahalaga ng $11 million. Ang 43-feet Christmas tree na iyon ay pinalamutihan ng 181 piraso ng mamahaling alahas at kinilala ito ng Guinness Book of World Records bilang “Most Expensive Christmas Tree”.