Dagupan City – Matagumpay na naisagawa ang 10-day community work ng unang batch ng Mangaldan Public Market vendors na benepisyaryo ng DOLE – Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.
Kung saan ay nagsagawa ng monitoring kamakailan ang mga kinatawan ng Department and Employment (DOLE) mula sa inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan.
Pinamunuan naman ito ni Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera Parayno, sa pamamagitan ng tanggapan ni Pangasinan Fourth District Representative, Congressman Christopher “Toff” De Venecia.
Ayon naman kay Chief Administrative Officer/PESO Manager Helen Aquino, nagsimula ang inisyatiba noong Hunyo 1 kung saan ay nakapagbigay na sila ng serbisyo ng mga benepisyaryo na nakatakdang magtapos bukas (June 10, 2024).
Layon ng programa na abutan ng tulong ang mga negosyante na nagmamay-ari ng micro, small at medium-sized enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng kabuuang P4,350 na cash for work assistance matapos ang 10-day community work.