DAGUPAN CITY- Muling nagpapaalala ang Commission on Elections o COMELEC Region 1 at Comelec Pangasinan sa pagbabawal na pamamahagi ng mga ayuda o ayuda ban mula May 2 hanggang sa araw ng halalan sa May 12, 2025.

Ayon din kay Atty. Ericson Oganiza ang siyang Election Supervisor ng Comelec Pangasinan na maaring lamang maipamahagi ay ang burial at medical.

Aniya, batay na rin sa inilabas na resolution ng Commission on Elections o COMELEC na kabilang sa mga ayudang ipinagbabawal na ipamahagi ay ang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS, Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD, Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps, at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP.

--Ads--

Mahigpit na binalaan nito ang mga lalabag sa ayuda ban at sa mga nakapaloob sa omnibus election code na maaring humarap sa kaso.

Kaugnay nito ay nagpapaalala rin sila sa mga botante sa maagap na pagboto sa mismong araw ng halalan upang makaiwas sa mga aberya na mas mainam na maaga pa lamang ay magtungo na sila sa kanilang mga lugar.