DAGUPAN CITY– Dead on arrival sa pagamutan ang isang 27 anyos na lalaki matapos mabangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang tricycle sa bayan ng Bolinao.

Nakilala ang biktima na driver ng motorsiklo na si Mike Redelizo, 27 anyos habang nakilala naman ang driver ng tricycle na si Roger Castro Jr., 42 anyos, at ang mga angkas nito sa kanyang sidecar na nakilalang sina Lea Perez, Nathalie Cabanes, Lalaine Perez, at Aeron Imperio na mga residente ng Brgy. Zaragoza sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Bolinao PNP na parehong tinatahak ng dalawang sasakyan ang National Road ng Brgy Tara na kinalaunan at nagkabanggaan.

--Ads--

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit agad ding binawian ng buhay ang biktimang si Redelizo, na syang driver ng motorsiklo habang nasugatan naman ang driver tricycle at 3 nitong mga angkas.

Samantala sa imbestigasyon naman ng mga kapulisan ay napag alaman na walang drivers license ang suspek ng mangyari ang insidente.

Nakatakda naman itong sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.