Patay ang isang tindero ng isda habang sugatan ang asawa nito matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang motorcyle riding criminals sa bayan ng Calasiao.

Pinagbabaril sa ulo ang biktima na si Mario De Leon, 53-anyos, tindero ng isda at caretaker din sa isang fishpond habang sugatan matapos madaplisan sa braso ang asawa nito na si Josie De Leon.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, galing sa palengke at pauwi na ang mag-asawa sakay ng garong nang mangyari ang insidente.

--Ads--

Dead on arrival sa pagamutan si Mario habang nasa ligtas nang kalagayan ang asawa nitong si Josie.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo at nasa likod ng naturang krimen.