DAGUPAN CITY – Isang 26-anyos na delivery boy ang nasawi matapos masagasaan ang isang baka sa barangay M.H. del Pilar, bayan ng Bayambang.

Napag-alaman na ang naturang biktima ay si Wilson Vinluan lulan ng isang garong na may laman na mga LPG kasama ang isa pang delivery boy na si Felipe Galsim na siyang nagtamo naman ng sugat sa paa.

Naka-gapos umano ang baka sa gilid ng daan nang bigla itong tumawid.

--Ads--

Nadala pa sa ospital ang mga biktima ngunit hindi na umabot nang buhay si Vinluan.

Saad naman ng mga kaanak nito na hindi nila inaasahang mangyari ito sa biktima makaraang katatapos lang nitong ipag diwang ang kaniyang kaarawan ngayong buwan ng Hulyo.

Nag-bitiw naman ng pangako ang may-ari ng hayop na magbibigay ito ng tulong pinansyal sa pamilya ng biktima.

Sugatan din ang baka at balak ibenta na lamang ito ng may-ari.