Nagtala ng isang katao at dalawa ang nawawala ang nasawi matapos ang paglubog ng isang bangka sa San Francisco Bay.
Naglunsad ang mga otoridad ng malawakang rescue operations sa insidente na nangyari malapit sa Alcatraz Island.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nasunog muna ang bangka bago ito tuluyang lumubog.
--Ads--
Naglalayag ang bangka sa pagitan ng Alcatraz Island at Golden Gate Bridge.
Ayon sa San Francisco Fire Department, na mayroong 19 na katao ang sakay ng nasabing bangka.
Patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng mga otoridad habang inaalam nila ang sanhi ng nasabing aksidente.









