Isa ang nasawi habang ilang iba pa ang patuloy na pinaghahanap matapos ang matinding flash flood na tumama sa Grand Canyon sa Arizona, USA nitong nakalipas na weekend.
Ayon sa National Park Service, mabilis na rumagasa ang baha sa mga camping at hiking area sa loob ng parke na nagbunsod ng malawakang rescue at evacuation operations.
Kinumpirma ng mga awtoridad na may isang biktimang narekober mula sa ilog sa loob ng national park, ngunit hindi pa isinasapubliko ang pagkakakilanlan nito.
--Ads--
Samantala, tinatayang 15 hanggang 20 katao pa ang hindi pa natutunton o nakokontak matapos ang insidente.
Nagpapatuloy ang search and rescue operations habang sinusuri ng mga opisyal ang lawak ng pinsala at epekto ng pagbaha sa lugar.










