Nasawi ang isang indibidwal sa Ishikawa, Japan at 7 ang naitalang nawawala dahil sa pagbaha at landslides dulot ng pag-ulan.
2 umano sa mga nawawala ay dinala ng malakas na agos ng ilog.
Ayon naman kay Koji Yamamoto, isang government official, tinamaan naman ng landslide kahapon ng umaga ang 60 katao na nagkukumpuni ng kalsada sa syudad ng Wajima. Apat pa sa mga ito ang hindi pa naco-contact. 2 katao naman ang nakapagtamo ng seryosong sugat sa katawan.
Itinaas ng Japan Meteorological Agency ang isang “life threatening” alert level kahapon sa nasabing lugar dahil sa malakas na mga pag-ulan na inaasahan hanggang ngayon araw.
Higit 40,000 katao naman sa 4 na syudad ang lumikas dahil din sa pagapaw ng mga kailogan.
Kaugnay pa riyan, higit sa 120mm na pag-ulan ang naitala sa Wajima kahapon ng umaaga. Ito umano ang pinakamalakas na pag-ulan sa rehiyon.
Ayon sa isang forecast sa Japan, ang lebel ng pag-ulan ay hindi pa nararanasan ng rehiyon noon. At pinaalalahanan nito na tiyakin ng mga residente ang kanilang kaligtasan.