Dagupan City – Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-35 taon ng Civil Registration Month, nagdaos ang Local Civil Registry (LCR) ng isang espesyal na programa na nagbigay ng libreng issuance ng mga civil registry documents sa mga residente sa bayan ng Bayambang.
Ang aktibidad ay naglalayong magbigay ng tulong sa mga mamamayan sa nasabing bayan sa pamamagitan ng pagpapadali ng proseso at pagbibigay ng mga kinakailangang dokumento nang walang anumang bayad.
Kabilang sa mga naisyuhang dokumento ay ang mga birth certificate, marriage certificate, at death certificate, mga pangunahing papeles na madalas kinakailangan sa iba’t ibang transaksyon ng mga residente.
Para sa mga residente, malaking tulong ito sa kanilang pang-araw-araw na buhay, lalo na’t hindi na nila kailangan pang maglaan ng gastusin para sa mga dokumentong ito.
Sa mga susunod na linggo, inaasahan pang magkakaroon ng mga karagdagang aktibidad na magbibigay ng serbisyong kapaki-pakinabang sa komunidad.