DAGUPAN CITY- Hindi umano nabigyan ng agarang aksyon ang problemang kinauugnayan ng E-Vehicles kaya lumala ang trapiko sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ariel Lim, National President ng National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP), hindi naman kase ito katulad ng mga tricycle na may prangkisa at may sinusunod na batas partikular na ang Republic Act no. 7160.

Sa isinagawang town hall meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Abril 10 sa San Juan, malinaw aniyang ipinaliwanag na maaaring bigyan ng daan ang mga Tricycle kapag wala itong madaanan at hindi dapat hinuhuli.

--Ads--

At dahil sa lumalalang trapiko sa Metro Manila, naglabas na ng kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hulihin ang mga E-trikes.
Upang mas mabigyan ng linaw sa regulasyon, dapat aniyan magkaroon ng marching order sa bawat barangay ang DILG na pulungin ang mga E-trike at E-bicycle Owners.

Subalit dahil dumami na ang bilang ng mga E-vehicles ay hindi na muna ito maaaring ipagbawal agad sa lansangan dahil ikakagalit naman ng publiko.

Kaya naman ay sinasang-ayuna ni Lim na kinakailangan muna ng 1 buwan na pagpupulong sa mga ito at huwag muna agad ipagbawal.
Ngunit hindi naman aniya siya sang-ayon na sa Metro Manila muna ito ipatupad kung maaari naman aniyang maimplementa sa buong bansa.

Samantala, tila’y minadali ang pag implementa ng regulasyon para sa mga E-vehicles dahil nataranta aniya ang gobyerno sa naitalang nangunguna ang Pilipinas sa may malalang trapiko sa buong mundo.

Gayunpaman, kung nais naman itong madaliin ay dapat lamang idaan sa mga local executives.